Minsan din akong nabaliw sa Twilight. Halos magpakamatay ako para makabili lang ng libro nito. Pero Twilight at New moon lang nakayanan ko.
Naalala ko pa nung..parang naka-drugs ako..laging puyat sa kakapanood nito paulit-ulit. halos wala yatang tigil. Nagwawala pa ako para makapanood nito sa sine pero sa dvd din bagsak ko.
Dati hindi pa computer ang sinisisi ni nanay pag bumabagsak ako sa math. Dati twilight pa. Hindi kasi ako natutulog pag hindi ko pa natatapos yung buong libro. Tapos pag natapos ko na uulitin ko pa yun ng ilang ulit.
Pero simula nang magpagupit na si Jacob at maki-epal na sa love story ni Edward at Bella. Simula nang mag New moon, nawalan na ako ng gana. Aayawan na. Nabadtrip kasi ako kay Bella.
Kaya yun. Hindi ko na rin napanood yung eclipse. Wala eh. Sawa na yata ako. Nainis kasi ako eh. hahaha XD
Hay..
pero syempre naging parte pa rin ‘to ng buhay ko. Nung grade six ako makakita lang ako ng word na “twilight” o “edward” nagwawala na ako. At alam na yun ng mga kamag-aral ko pag-ganun na bigla na lang akong titili. Inaasar nga nila akong “twilight”
Naalala ko pa nung bago ako umuwi. At excited talaga akong umuwi nun dahil manonood pa ako ng twilight. Bigla ko tinawag ng crush ko ng “twilight” sa pinto paglabas ko. Syempre ito ako, sobrang kilig lang. Pero syempre hindi ako nagpahalata. sabi ko na lang “Tse!” ahahahaha..gusto ko rin yun maulit uli XD
Nagwala rin ako nang malaman ko na magkakaroon ng pinoy version ng twilight na sabi sabi ng kapatid ko na gaganapan daw ni shaena si bella at si rayvier naman ang magiging edward cullen ng pinas. syempre tutol ako dun. wala kasing originality eh.
Nagwala nanaman ako nang mapansin kong may pag kahawig ang immortal sa eclipse. oo. alam ko. hindi nga ako nakapanood ng eclipse pero thank you sa kaibigan kong fan na fan ng twilight hanggang ngayon at wag sana siyang magalit na malaman na over na ako sa twilight..na si jfearagones.tumblr.com kaya nalaman ko pa rin kahit papano anong nangyari sa eclipse.
No comments:
Post a Comment